pinagod ako ng laptop kong ipapangalan ko pa lang jane. (ganito lang yan: durga's bruce is to bananaducky's mimi, therefore, durga's boo is to bananaducky's jane.) wala namang matinding rason, gusto ko ang pangalang jane, hindi ko nga lang ipapangalan sa aking aampuning anak. may nakatoka nang pangalan kung babae o/at lalaki.
alam ng ilan sa mga kaibigan ko na kapag natuloy ang plano kong mag-ampon ng bata, ang pagagamit kong apelyido ay ang sa nanay ko. dalawang rason: gusto ko ang tunog ng apelyido ng nanay ko (basas nga pala ito) at para naman dumami-dami ang lahi ng mga basas at puro babae ang naging anak ng lolo doro at lola cleofe ko.
may naging estudyante akong basas ang apelyido (si mary lynne) at agad kong tinanong kung taga-saan siya. at kapag may nababasa kaming basas na na-diyaryo o sa tv (parang yung nagbibilyar na si mary ann basas), gugupitin agad ang artikulo o tatawagin ang lahat ng tao sa bahay at papanoorin ang kung sinumang kamag-anak namin ang biglang sumikat (ke nagbilyar yan o nakapatay ng tao, wala kaming paki). Oo nga pala, si michael v.? hindi siya basas, pero bunagan naman siya (middle name ng nanay). ang palaging pruweba: ang bilugan naming mga mukha. siyempre ang colanta sa akin ay ang di mapagkakailang kilay ng tatay ko. at oo nga pala, kamukha ko ang tatay ko.
na hindi ko matanggap nung bata pa ako. di ko na matandaan kung kailan ko na lang inamin na, oo nga, anak nga ako ng tatay ako at kahit ilang face transplant ang gawin sa akin, hindi talaga uubra. kahit tatay ko, niloloko ako pag napapansin ang itsura namin. (wala neng, wala ka talang magagawa.)
nakuha ko rin sa tatay ko ang morena kong balat. mabuti na lang at nung lumalaki ako wala pa gaano yung mga lecheng commercial ng whitening everything. mas napapansin sa akin yung timbang ko (naaalala ko na si rogelio garcia at ang kanyang kanta para sa akin na hindi ko na uulitin dito, traumatic). siyempre si bru na kapatid ko na nagpaparamdam na dito sa comments box ng blog ang tumatawag sa akin ng nognog na ginagawa niya ata para makita lang kung paano ako maasar.
marami pa akong nakuha sa tatay ko - ang kakaibang fermentation ng toyo ko pag inis/galit/pikon/inip. mahilig manisi ng ibang tao para sa mga bagay na baka naman kasalanan ng daga o ng ipis o ng aso (kung gusto nating gamitin ang konsepto ng kasalanan sa mga di-tao). mabilis mainip kapag may hinihintay na tao.
pero may isa akong nakuha sa tatay na hindi ko ata makukuha sa ibang taong nakilala ko (at kailangan kong i-ingles ito dahil words fail me now, o eto na o) - his capacity for empathy and compassion and his ability to always see the bigger picture. i'll explain this in another post, if ever there's even the need to explain these human traits god knows is in short supply or at least people are constantly hindered from exercising them.
(p.s. this will undergo a revision. i've gone over my self-imposed time limit to check my mail and do posts. in fact, i wasn't supposed to today, a deadline to meet.)
0 Comments:
Enregistrer un commentaire
<< Home