<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

dimanche, mai 07, 2006

regla sa buwan ng mayo (pasintabi kay ruth elynia mabanglo)

nadanasan ko na dati sa dorm yung nagsasabay-sabay na mga regla namin (oo nga pala, puro babae kami doon, ang tanging exclusive-anything na napuntahan ko). ang maganda lang nun, may mahihingan ka ng napkin pag ika'y nadatnan (mabuti sana kung sa dorm at hindi habang nagkaklase) at wala kang emergency stash.

at dahil alam namin na sari-saring pms ang ginawa ng mga herodes, walang imikan. as in. subukan mo lang. iba't ibang paraan - kakain nang kakain, magmumukmok, iiyak, sasakit ang puson, lalaki ang katawan, taghiyawat, etc. etc.

ang saya-saya.

minsan na akong tinanong ni jorge sa isang away namin sa telepono (high school era) kung may regla ba raw ako, kasi daw ganun ang nanay niya pag biglang uminit ang ulo. siyempre lalo siyang yari pagkatapos nun.

isyu din ang brand ng napkin na gagamitin mo. nalaman ko sa ob-gyne na whisper ang may kasalanan kung bakit ako kinakati kasi plastik at hindi cotton ang top weave niya. kotex na lang raw o modess. dahil mura ang modess, dun na lang ako.

matagal na rin akong hindi umiinom ng midol pag may cramps. isa sa mga walang kuwentang kuwento nung high school ay ang tungkol sa kung bakit hindi dapat uminom ng midol (na nalimutan ko na). isama na rin natin dun ang kuwento na kapag nakipag-french kiss ka, mabubuntis ka (may naniwala talaga dun, kabarkada ko pa at hindi si durga). na ang pag-inom daw ng coke ang magpapabilis sa pagtapos ng regla. ngayon, pag sumasakit ang puson ko, biogesic na lang ang katapat niya. at piling-pili pa yun: pag na lang hindi ko na kaya ang sakit.

kahit naiirita ako sa kulay ng palda ng rural high, pasalamat ko na lang at hindi ako napunta sa canossa dahil naka-dress sila. nang may nakilala akong estudyanteng galing canossa, hindi ko napigilang tanungin kung bad trip nga ba ang uniporme nila pag tinatagusan. sabi niya, nakahanda daw sa clinic ang blower, sabon at ekstrang uniporme (buti kung magkasya sa iyo).

unang beses kong nakakita ng tampon nang nagdala si chuck ng isang piraso para sa assignment nila sa eng 4. sabi ko magdala sila ng kahit anong, aherm, feminine product (napkin, feminine wash, etc.) na importante sa kanila (o para sa mga boys, ang feminine product na hindi nila maintindihan). dahil ob-gyne pala ang nanay ni chuck, dinekwat na lang niya ang isa galing sa clinic. tinanong ko kung puwedeng, uh, 'gamitin'. pumayag naman siya. hanap kami ng basong may tubig, nilublob ang tampon (siyempre tinanggal muna ang plastic) at namangha habang nag-expand ang tampon. absorbent nga ang cotton.

wag na wag gamiting brand ng napkin: those days. opo, nagamit ko na yun at na-gets ko kung bakit siya mura. murahin ko halos yung gamit na napkin nang ayaw matanggal yung adhesive niya sa panty. ang salarin? double-sided tape pala ang adhesive. buti na lang hindi ko paboritong panty ang naging biktima.

naalala ko tuloy yung kuwento tungkol sa ignoranteng tatay na nagkamaling dinampot ang botelya ng lactacyd at ginamit na shampoo. (teka, tatay ata ng estudyante ko yun.)

at oo nga pala, mas malibog ang babae pag padating ang regla niya. minsan ko na itong kinuwento sa kaibigan kong lalaki at parang nagka-oprah light bulb moment siya nang narinig niya ito. ang nasabi na lang niya ay 'ah, kaya pala...'

yes, virgie moreno, mamimiss mo rin ang regla mo pag menopausal ka na.

(para sa akin at kay a.v.)

1 Comments:

Anonymous Anonyme said...

Bonjorno, bananaducky.blogspot.com!
[url=http://viagrakhou.pun.pl/ ]Acquisto viagra in Italia[/url] [url=http://cialisashy.pun.pl/ ]Acquisto cialis [/url] [url=http://viagraater.pun.pl/ ]Compra viagra in Italia[/url] [url=http://cialisuper.pun.pl/ ]Comprare cialis in Italia[/url] [url=http://viagragent.pun.pl/ ]Comprare viagra online[/url] [url=http://cialishols.pun.pl/ ]Comprare cialis in Italia[/url]

4:06 PM  

Enregistrer un commentaire

<< Home