kung puwede lang humilata sa kama buong araw, haay.
but no, kailangan nang ayusin ang matagal nang nawalang lisensya, at ang pinakamalapit (at pinakakonting tao) ay ang opisina ng lto sa pila, laguna.
may mga iba ding detalyeng dapat nang atupagin at kinukulit na ako ng mga listahan sa utak ko:
1. kunin ang mga readings na iniwan sa cynthia's
2. kunin ang iniwan ni maam dulce para sa akin sa department
3. kunin ang mga librong kakailanganin sa cubicle
4. ilista ang mga libro at ibang gamit na pinahiram sa mga estudyante't kaibigan
5. oo nga pala, may suweldo na (kailangang magtipid at parating na ang taghirap, haha)
6. kunin ang xray sheet sa ospital
natuwa naman ako nang nagtextbak si nerd herd paeng at nag-official welcome sa akin. (may red carpet ba yun?) at least may kakilala ako sa arrneo pagpunta ko dun sa hunyo. (katabing building lang siya, naghahari sa physics department.)
it's weird when you see your old grade school/high school classmates doing important things, lecturing in a majors class (in the case of paeng) or starring in a music video (in the case of vincent, aka ebe of sugarfree). your knee-jerk reaction is to either laugh (in the case of paeng) or have goosebumps and be all creeped out (in the case of vincent). you still see them as those nerds in khaki shorts with lunch boxes (that would be paeng) or still baby-faced boys attempting to sing don mclean's vincent, a foreshadowing of the mala-thom yorke school of singing (i don't need to spell it out anymore).
nung una kong nabanggit ang pag-apply ko sa arrneo kay d., ang mga kainan sa katipunan ang agad niyang naisip. sabi ko nga, oo. ang dami sigurong kainang nagsulputan na simula nang nabase na ako sa lb. at siyempre andiyan ang aking beloved 70's bistro na dumanas na ng sangkatutak na facelift. (oo, ganun ako katagal sa q.c.)
teka, kumakalam na sikmura ko, di na uubra ang kape. hmm, mamimiss ko rin ang kape ng tatay ko sa umaga. kailangan ko atang itakas ang bulinggit na krups.
0 Comments:
Enregistrer un commentaire
<< Home