<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

lundi, février 05, 2007

kamuntik na akong masiraan ng bait sa bagong blogger via google. (puro 'g' yun a.) siyempre pag nasanay ka na sa dating nakagawian, nakakarattle pag bago ang steps na kailangang mong gawin para makarating sa 'create post.' kaya rin ako naasar kasi hindi ko mapost yung comment ko sa bagong entry ni prinsesanglabandera.

translation: nakalimutan ko yung password e sa totoo lang iisa lang naman ang password na ginagamit ko sa lahat ng accounts ko. (pangalan ng crush ko sa diliman, haha, aka ang aking eternal crush. nasaan na kaya yun? huling balita ko nasa singapore siya.)

gusto ko ba tong bagong google? no opinion, really. may dagdag na mga ekek dito. halimbawa, itong nasa ilalim na 'labels for this post.' as if naman kailangan kong icategorize ang mga blog posts ko. kung hindi tungkol sa goings-on sa pang araw-araw o tungkol sa bahay, e mga kinatotopakan ko at kinaiinisan at iniiyakan na mga pangyayari at tao na isesecond person pronoun ko. hindi ko na rin kailangang gawin yung huli kasi korny na at hindi na rin kailangan. new year's resolution ko. korny na ring maganonymous because i'm laying it all bare.

at kaya ganito rin ang post ko ay dahil kape na ang nagpapatakbo sa katawan ko ngayon. naaalala ko si irma na hindi na umiinom ng kape pagdating ng alas singko ng hapon kasi hindi na siya makakatulog at masisira ang sleeping patterns niya. as for me, matigas ang ulo. rason ko na lang, at least may oras ako para magbasa. that is, kung may utak pa akong maintindihan yung pinagbababasa ko.

siguro'y malapit na rin regla ko kaya weng weng ang pakiramdam ko. definitely anti-social at gustong kumawala sa sariling katawan. basta ang topak ko ngayon ay gusto ko nang tapusin yung librong binabasa ko at lumuwas pa-qc para makipag-lunch kay pooching. iintrigahin ko siya tungkol sa paper na binasa niya sa ateneo nung nakaraang linggo.

malamig nanaman. mirakulo hindi ako binabalakubak.

Libellés :