<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

samedi, mars 05, 2005

Criminally vulgar

Bigla kong naisip kung ito kaya ang gawing writing prompt sa susunod na episode ng IRRI morning walk, na mukhang magiging history na (at least yung destinasyon) dahil may naamoy na ata ang head of security ng IRRI. Ngayon, hindi ko na alam kung matamis o masangsang yung naamoy nila sa amin.

Total, nai-type ko na ang parte ng How Soon is Now ng The Smiths (aka the Charmed theme song), napag-isip-isip (!) ko kung ano para sa akin ang criminally vulgar? (Bulgar na, kriminal pa ang pagka-bulgar - walang patawad.)

Pwede kong banggitin yung mga babaeng nagpipilit pumasok sa klase, dala-dala lang ang kanilang mga teensy-weensy bags. Siguro ito yung mga lalaking nagpupumilit patigasin ang patayuin (hello Freud!) ang kanilang buhok na ubod naman ng straight. I-terno na rin natin dito yung layered look, i.e. collared shirt sa ilalim ng vest o long-sleeved shirt, na ika nga nung isang judge sa Star Circle Quest ay 'so three years ago.' E baka naman ito yung mga bading na wala na lang ginawa kundi ipangalandakan ang kanilang pagiging bading (at tatalbugan pa ata ang mga promotor ng identity politics at gender performance). Isama na rin natin ang mga lesbianang forever na lang galit.

Sige, isingit na rin natin yung mga pa-Jessica Zafra (teka, may saysay pa bang gamitin siyang pop culture reference? Haay, so 90s, so Reality Bites, so angry). O ayan, pati na yung mga artista ng dos at siyete na kulang na lang e ibenta ang mga pekpek at etits nila para sumikat.

Idagdag na ang mga fratmen na hawak ang tubo sa isang kamay, bote ng cerveza sa isa. Wag nating kalimutan ang mga sorority girls na biglang nagkaroon ng boobs at pwet pagkasali sa soro.

Isali ang mga humihiyaw at umiiyak para makita at maramdaman ang diyos (i hear him, i hear him). Isama na rin sa kapatiran ang nalulunod sa alak at libog gabi-gabi.

But of course, hindi pahuhuli ang mga aanga-angang babangga na pala sa poste e hindi pa alam.

E teka, isa na lang ang kulang dito: ako.

Hehehe. Huli ka.