<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

mardi, février 22, 2005

Patay na pala si Hunter S. Thompson.

Kala ko isa siya sa mga kumag na forever na lang mabubuhay; medyo lang ginawa nang pelikula ang kanyang Fear and Loathing in Las Vegas.

Pero feeling ko ako lang ang panandaliang natameme sa balitang narinig sa FM radio kaninang umaga. Tinanong ko ang kasama sa opisina kung kilala niya si Hunter S. Thompson. Sinagot niya ako na parang sino siya, care ko sa kanya?

Puwede kong banggitin ang kanyang pagiging pasimuno ng gonzo journalism. Puwede ko ring banggitin yung sandamakmak na mind-altering substances - barbiturates, LSD, marijuana, etc. - na naging parte ng kanyang, er, reportage.

Kung sana'y maranasan ko man lang minsan sa buhay ko yung mag-swimming sa isang ballroom na binabaha ng dugo at ang patayin ang lahat ng alien life form na lumalabas sa aking katawan.

Pero hindi ako si Hunter S. Thompson kaya hanggang pagbabasa na lang ng kanyang sira-ulong mga libro.

Teka, nobela ba siya o 'fine piece of journalism?'

Who the feck cares? Precisely.

Masarap pagmuni-munihan ang mga kemikal na pantasyang (o realidad) na pinapakita ni Thompson sa kanyang mga libro.

As if naman nalalayo tayo sa mga pantasyang ito, sa dami ng mga kinakain, iniinom, tinuturok, at pinapahid sa ating mga katawan na hindi organic. Siguro'y nasilip na natin nang bahagya itong mundong kanyang nakita (o ginawa?).

Pero shet, magpapakamatay ka lang pala. Mhen, panis na yang strategy na yan. Naunahan ka na ng sangkaterbang rock stars, manunulat at samu't saring tormented artists. Anong special sa baril? Mirakulo at hindi ka na-todas sa dami ng kemikal na inimbak mo sa sistema mo nung dekada 70.

Oh well, we all gotta go someday.