dear bespren buko pie,
bukas ang ym ko buong maghapon at hindi ka online. mabuti na rin. at least alam kong tulog ka.
umaayos na ang lalamunan ko, hindi na boses bakla. boses inday badiday lang. hee.
astig ang mga musical guests nina ellen at jay leno - si stevie nicks at si amy winehouse. hindi ko lang masyadong napakinggan si amy pero kitang-kita ko ang drag queen make-up. at ang hair extension.
pero siyempre kulang na lang mapaiyak ako kay stevie nicks. at oo, kinanta niya ang landslide. nakatanga lang ako sa tv. goddess pa rin siya.
kinuwento ko sa magulang ko yung usapang 'basagan ng plato.' hagalpak sa tawa ang nanay nang napunta na ako sa tumatalbog na corelle na plato. oo nga pala, may nakalimutan akong ikuwento sa iyo tungkol sa ating kaibigan. sa susunod na lang.
pasensiya ka na, dapat mas mahaba pa ito pero inaantok na ako.
o siya, babay muna. at oo, hindi ko pa rin sasabihin ang binanggit kong hindi ko maatim na sabihin sa iyo sa mga panahong ito. alam mo na rin yun.
bigla kong naalala ngayon lang yung panahong dinala mo ako sa whole foods at nagtanghalian tayo al fresco para makapagyosi ka pagkatapos. mataas ang sikat ng araw at malamig ang hangin. noong mga panahong yun, hindi pa rin ako makapaniwalang magkasama tayong nagpapakabaliw sa libro, pagkain, atbp.
hindi pa rin ako makapaniwalang 25 years na tayong magkasama.
hindi pa rin ako makapaniwalang andito na tayo sa kinalalagyan natin.
maniwala ka sa hindi, ang sayang kinatatakutan mo ay hindi dapat katakutan.
maniwala ka.
ang iyong bespren bipolar burr
0 Comments:
Enregistrer un commentaire
<< Home