<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

dimanche, avril 22, 2007

dear bespren buko pie,

nasabi ko na sa ating kaibigan ang iyong mensahe. ang tagal ko bago naihatid sa kanya dahil ang tagal ng kanyang transaksyon sa ibang tao bago ko siya na-solo.

pagkatapos kong ilaglag ang bomba sa loob ng kanyang sasakyan, katahimikan.

ang kanyang payong gamot: bumiyaheng mag-isa. (kung sabagay, nagawa na rin niya ito. kaso lang di rin nagtagal ang pag-iisa niya.)

dagdag: gusto ko siyang suntukin. (at puwedeng niyang gawin yun dahil alam mo bang isang buwan na rin siyang relihiyosa sa gym?)

sabi ko naman, oo, plano mo na ngang gawin yun pag may panahon. dinagdag ko rin na wag siyang mag-alala at maraming sasalo sa iyo.

tanong naman niya sa akin: anong naramdaman mo? (isang tanong na puwedeng mabilang sa mga tanong na tinatawag kong 'what is the meaning of life? why is the sky blue?')

pero sinagot ko rin siya: alam mo, siguro sa maka-ilang beses na akong nakarinig ng kuwentong ganyan, nababawasan na ang pagkabigla at lungkot. pero mas nalulungkot ako sa katotohanang kapag nangyari ito sa isang bespren, hindi kumakapit ang salitang jaded.

oo nga pala, mabuti na lang at kahapon tayo nagkausap dahil tuluyan na akong nawalan ng boses kagabi. mabuti na rin. mainam manahimik.

sa kaso mo, manahimik ka muna. habaan mo kung kailangan. wag kang matakot mag-isa. masarap mag-isa dahil sa gitna ng pag-iisa, unti-unti mong maririnig ang iba't-ibang boses, iba't-ibang himig, mga dagundong, mga bulong. pag bukas ka sa iyong maririnig, mas magiging komportable ka sa sarili mong boses, mas matututo kang makinig sa daing ng katawan.

o siya, bespren buko pie, aalagaan ko muna itong lalamunan ko at pinayuhan ako ni tatay na manalig sa gamot ni aga muhlach. at kung sakaling patayin pa akong tuluyan ng kainit-initang mundong ibabaw, baka kailangan ko ring sumamba sa gamot ni john lloyd cruz.

nagmamahal,
b.

2 Comments:

Anonymous Anonyme said...

ma'am amy! yoohoo! :D

12:17 AM  
Blogger bananaducky said...

kel, yoohoo din sa iyo :)

2:30 PM  

Enregistrer un commentaire

<< Home