<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

jeudi, avril 06, 2006

quickie lang to dahil nagrereklamo na sikmura ko sa kape

dakilang kapatid, andito na raw ang tito lanlan at tita ine. natulog lang kahapon sa aloha dahil sa jetlag. alam mo naman ang kabadtripan ng ere at oras sa eroplano. papunta na ang nanay kasama ang 24 2x2 pics mo. maganda ka pa rin naman sa pics.

kagabi, may palabas na clips ng mga lumang pelikula ni frank sinatra. akala ko yung babaeng kasama niya sa eksena ay si natalie wood. (yun pala si janet leigh.) sabi ng tatay, hindi raw si natalie wood yun. sabay tingin sa nanay at sabi 'siya ang kamukha ni natalie wood.' tapos tingin sa akin at sabi 'therefore kamukha ka rin ni natalie wood.'

pero naisip ko mas kamukha mo ang nanay natin kaya ikaw talaga ang kamukha ni natalie wood. at sino ang kamukha ko? tatay natin, hehe.

o teka, gusto mo ng breaking news? heto, paalis ang nanay papuntang aloha at may tirada pa ang tatay. kesyo ganun. kesyo ganyan. alam mo bang naging mediator pa ako nung martes? josko, akala ko hindi ako makakalabas nang buhay sa sala. okay naman, hindi naman sila earth-shattering pag nag, aherm, 'diskusyon.' or rather, ako ang nag-diskusyon para sa kanilang dalawa.

iniisip ko nga, abugado kaya ako sa previous life ko? or some sort of arbiter? sabi ng nanay kahapon, bilib daw ang tatay sa akin, how i talked to them and not at them. stern pero may respeto pa rin. siyempre, the usual rules. pag nanay, cut mo na pag napupunta kung saan saan napupunta ang usapan. o kung nag rerefer sa past events na walang kinalaman sa usapin. pag tatay, appear as if hindi nagaanswer back. (pero actually oo, hehe.) at wag tingnan sa mata. katakot. scary. hindi rin.

o ayan. ang aking buhay sa household. taga-aliw ng mga magulang. taga-oo kahit hindi nakikinig nang husto. kadalasan nagtu-tune out para hindi mabaliw. pero madalas masaya kasi kahit mga sira ulo ang magulang natin hindi sila sakit ng ulo, overall. at hindi sila sagabal sa ating mga pangarap.

o tama na ang domestic front.

oo nga pala, dahil nakalimutan kong sabihin to:

sarap magkaroon ng mga kaibigang taga-pasig at shaw dahil alam mong kapag napadpad ka sa lugar na puro 80's ang tugtog, alam nila kung bakit bigla kang natatahimik at napapangiti. at maya't maya kayong lahat, ganun na rin.