<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

vendredi, mars 31, 2006

sarap magkaroon ng nanay na patagong kukunsultahin ang resident eyes and ears ng lb para tanungin kung ano ang hinaharap ng kanyang natitirang anak sa pilipinas.

sarap magkaroon ng ate na nagpapaalala na tingnan ang blag ni ganito't ganire.

sarap magkaroon ng tatay na sinasabihan ka kada umaga na may mainit nang kape.

sarap magkaroon ng dalawang asong mahilig magrambulan sa pinagsigaan at pagkatapos ay dadamba sa iyo.

sarap magkaroon ng kaibigang taga nyu joisey na tinatawagan ka halos kada linggo at alam ang sasabihin mo bago mo pa isipin.

sarap magkaroon ng kaibigang taga san juan na kahit may asawa't tatlong anak at iniwan ng kasama sa bahay na hindi naman naging kasama talaga (dahil kakasundo lang sa pier) ay nagtetext pa rin na mag-apply na sa diliman, as in now na.

sarap magkaroon ng kaibigang taga las pinas na puwede mong tawagan kapag nasa kasagsagan ng kahinaan. o kung hindi man kahinaan, kalituhan.

sarap magkaroon ng kaibigang taga putho-tuntungin na hindi lang kaibigan kundi parang kapatid ko na rin.

sarap magkaroon ng kaibigang taga roxas na nagtitiwala pa rin sa aking mga pinagsasasabi kahit malayo na kami sa isa't isa.

sarap magkaroon ng kaibigang taga-makati na patuloy na nangangarap at umaasa sa lahat ng mabuti sa mundo. wag kang mag-alala, maganda ang kahihinatnan ng lahat.