<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

mardi, décembre 28, 2004

Isang mensahe para sa aking beloved na barkada

To: tops89@yahoogroups.com
From: amycolanta@yahoo.com
Subject: Teka

Saglit lang, hold a sec:

O Erin, wag ma-agit. Baka naman sanhi yan ng dalawang bagay: una, ika nga ni PJ, suppressed memory. Pangalawa, e baka naman napaka-technical natin at kailangan e ang ma-define na boyfriend ay yung actual na tinanong at sinagot. E kumalas na tayo sa ganung paniniwala at sa ganun ay mas mahimbing tayong nakakatulog sa gabi, hehehe.

By the way, itong aking opening salvo ay produkto lang ng masyadong maraming fried chicken, pagkaaliw sa Oprah's Wildest Dreams episode kaninang ala-una sa Star World at ang aking napalaking frustration na makahanap ng itim na Beachwalk tsinelas. Bakit Beachwalk kanyo at hindi Islander? Kasi walang stripes na kepangit-pangit sa gilid ang Beachwalk. Sa sobrang frustration ko ata e akalain ninyong ang temang ng aking panaginip kanina ay ang magsukat ng sari-saring itim na tsinelas. Kaya kelangan ko nang mag-exit dito sa Abode (yahoo! bukas na sila uli!) at ako'y maghahanap uli dahil kung hindi pa rin matupad ang aking minimithi e baka ang sunod kong panaginip ay ako'y natabunan at tuluyang namatay dahil sa avalanche ng itim na Beachwalk tsinelas.

Shameless plug na ata ito for Beachwalk tsinelas.

A.