<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

dimanche, mars 25, 2007

damn you, yahoo games, damn you

because of feeding frenzy, i can't feel my arm and i can barely type out this blog post. i keep seeing bloated fish and bombs and tiny green fish.

but enough of that.

while i've stricken off pork, beef and chicken - and most importantly, coffee - from my daily diet, i do know that it can border on insane cold turkeydom, which is why i declared sunday as my off-limits day.

this is the day when i can pick on a piece of chicken (like today's baked chicken lunch), have a cup of coffee and not do my home kriya. it's not so much bawi time as seeing how my taste buds and body react to these now-foreign substances.

i have to admit that in the case of the chicken, i was looking forward to the taste of both the meat and the gravy. also, i wanted to reacquaint myself with the texture of chicken.

result? by the second piece, i wasn't appreciating it fully. kalungkot, dahil isa sa mga paborito kong luto ng nanay ito since time immemorial. hindi naman ako nanghihinayang, pero nagugulat rin ako sa taste buds ko. it's as if they're betraying me.

the coffee? last friday, i did have a cup of decaf, just to see. hindi pa rin. walang impact. naisip ko nanaman ang tanong na kung bakit ba nahumaling ako sa kape in the first place. dahil nga ba sa compulsion na kapag may binabasa o sinusulat ako e kailangang may hawak akong tasa sa kanang kamay at may nilalapit sa bibig kada limang minuto?

nung puro gulay ang kinakain ko, lord, puro utot ang ginawa ko. natatakot ako na habang nagyoyoga kami at nakatuwad at pilit na inaabot ang binti e baka ututan ko yung nasa likod ko. kahit na silent e baka deadly pa rin yun.

ngayong ibinalik ko na ang isda at itlog (at paminsang-minsang iced tea), mas hindi na kuneho ang pakiramdam ko. pero kung talagang maayos ang pagkakaluto ng gulay, gulay lang talaga ang kakainin ko. pero ayoko pa rin ng pakbet.

masaya naman kasi magaan ang pakiramdam ko, lalo na't pagkatapos kong gawin ang home kriya pagkagising sa umaga. at aaminin ko na ang pag-inom ko ng kape ang may kasalanan kung bakit may energy crashes ako pag hapon.

hindi naman ako manghihinayang kung bumalik ako sa dati kong mga kinakain. hindi naman sayang ang mga huling linggo. marami namang magandang naidulot ang mga pagbabagong ito.

3 Comments:

Blogger leia said...

Kasama ba sa mga pagbabagong yon ang paggamit ng wikang Filipino? Nanibago ako.

7:44 PM  
Blogger bananaducky said...

eh? nagfifilipino na ako dati pa, hindi lang madalas :)

9:10 PM  
Blogger silangan said...

ma'am amy, bagong buhay na! health buff ang drama. sana ako rin magsucceed :)

4:29 PM  

Enregistrer un commentaire

<< Home