<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

mardi, juin 14, 2005

To the five people who I trust my life with,

Inisip ko muna kung may good standing pa kayo sa akin. Pero teka, naalala ko pa ba kung sinu-sino kayo? (isip isip) Five people checked, and except for two who are dormant, ayos pa naman.

Alam nyo namang ayokong binabawi yung mga dating pinagdesisyunan ko na. Minsan iniisip ko na kinakatwiran ko na hindi dapat nagsasara ng pinto, hindi dapat nagsasalita nang tapos. Alam kong ubod ako ng slow makaintindi, maka-gets. Sensya na, may satellite delay itong kaibigan ninyo.

In other words, nagsawa na ako, mga kapatid. Pinagsawaan ko na ang trahedya na hindi naman dapat trahedya. Pinagsawaan ko na ang trahedya na pinayagan kong maging trahedya.

Naintindihan ko na ang dapat kong maintindihan. Hindi ko naman tinuturing itong kapalpakan, kundi, hayun, ganun talaga. Pero siyempre, hindi ako mananahimik. Dahil hindi ko style yun. Dahil puta, hindi ako si Ismene.