Napatunayan ko last week na posible pala akong mag-multitask.
Lunes at Martes - nagbabad sa cubicle at coffee shop para alalahanin kung ano nga ba ang mga pinagdadadakdak nina Plato, Aristotle at ang lahat na nabiktima nila.
Miyerkules - wala rin palang saysay ang inaral ko tungkol sa mga kumag na to at ang tanong sa eksamen ay tungkol lamang sa modern, postmodern at post-colonial theorists at critics (na kung tutuusin e medyo lang sablay ang classifications na binigay sa tanong). Oh well, tatlo lang naman ang hiningi, nalito lang nang sampung minuto kaya nagbasa muna ng kuwentong kailangang komentaryuhan. In other words, walang kuwentang eksam. At hindi ito dahil mayabang ako.
Huwebes - part two ng aking lakad nung nakaraang araw para maayos ang financial documents ng aking mahal na kapatid para sa kanyang visa interview. Kapagod dahil sa dalawang magkasunod na araw na biyahe at magkaibang init ng Los Banos at Malate.
Biyernes - binaboy nang husto ang kuwento ng isang taga-Pantas. Good-natured naman ang pambababoy, kung posible ba yun. Unang beses sumama sa workshop ng mga bata-batuta. Masaya naman.
Sabado - concert kasama ang Madz at ibang mga choir sa Philamlife. Una kong choral concert in almost ten years. Man, I really missed singing. At natutunan muli kung panong magpanggap na kantahin ang kantang di alam kahit isang nota (sa choral parlance, ito ang pagw-watermelon).
Linggo - naramdaman na ang sakit ng katawan at pagod ng linggo. Pero hehe, aliw (hindi ang sakit ng katawan).
0 Comments:
Enregistrer un commentaire
<< Home