<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

mardi, février 07, 2006

Mode drama

Hmm, the last time nag mode drama ako ay - teka, hindi ko na maalala. Eto rin ba ang nangyayari right now? Well, oo. Na hindi. Eto na kaya ang katapusan ng 'happy' run? Aba, well mahaba-haba rin siya, I must say.

Well actually, okay pa rin naman ako. Mas maayos na ang responses ko sa mga kinaiiritahan sa buhay. Mga bagay na hindi naman kailangang pakialaman.

Paminsan-minsan, nangangapa pa rin akong mangilala kung anong dapat kairitahan at kung anong dedmahin. Wala naman akong kinalaman sa isyu, bakit pa ako nakikidawdaw? Hindi naman ako pinakiusapang makialam o manakit ang likod. Pero heto, nakialam at nanakit ang likod.

Rojo, rojo, rojo.

Iniisip ko na lang na marami pang gagawin ngayong gabi at sa mga susunod na araw, buwan at taon. Isa lang langaw ang dumapo, o lamok na nangungulit sa tenga ko.

(kailangan nang mag-English)
Because the task ahead is bigger than myself. When things do not look so rosy, there will always be something - a conversation, a newspaper article, a national event - that would remind me of this.

(end of English part of this post)
Yabadoo! Kanta sa radyo: Tiny Dancer ni Elton John!

Faerie dust!

Ah, my dear. Salamat sa mga kuwentuhan at kalokohan. Na-miss ko lahat ito. Oh, who am I kidding? I missed you a lot. Muntik ko nang malimutan kung gaano ka kasayang kasama. Ano, long-term na ba ito? Hindi ko alam kung sino sa atin ang mas eng-eng minsan. (Ikaw ata. Hahaha. Joke. Labyu. Peace!) Alam kong matagal ka ring nagtiis, nagtaka, nawindang at nainis sa akin. Pero alam mo bang nagtiis din ako sa iyo (not to mention nagtaka, nawindang at nainis)? I'd like (ay, English uli!) to think we're two inscrutable individuals who bring out the best (and the worst) in each other. If only for that, I am grateful. Peace and love to you. (Sniff, sniff)

Aww.