<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5510640\x26blogName\x3dbananaducky\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananaducky.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dfr_FR\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananaducky.blogspot.com/\x26vt\x3d-3800302331303502530', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

vendredi, mars 19, 2004

Ang labo

Puwede akong mag copy/paste from a Word document to the Compose function of my e-mail account but not the other way around? Let me give it a go again.


The week that was

Grabe ang linggong ito. Butas ang bulsa kakakain, kakalibre ng mga estudyante, kakapa-develop ng pictures ng estudyante at katrabaho, kakainom, etc.etc. Pero okay lang dahil ang mantra ngayon ay mala-'last night of the world'.

Masayang malungkot. Tapos na ang mga klase at mas mahal ko sila ngayon siguro dahil mas nasasakyan ko na ang pagtuturo. Marami ring aalis sa trabaho kaya most likely gimik galore uli to celebrate their, uh, departure? Basta any reason to celebrate! Kaya ang aura sa office ngayon super laid-back, nag-decide kami ni Tantan na pumormang summer con todo (read: tank top, shorts or loose pants). Hayun, labas ang aking February tan at si Tan, tumingkad ang pagkaputi at nawindang ang mga students. Kahit si Sir Jeery, este, Jerry (this is for durga) ay summer ang drama. Kulang na lang ang piƱa colada at maliit na payong sa rim ng baso. At tanning bed sa dept.

Kawirduhan ang linggong ito. Extremes ng mga kasama gabi't araw. Meron yung mga medyo 'oldie' (na hindi) na medyo mabigat kausap at medyo nagtaka yung mga estudyante kung bakit kasama ko. Of course the best pa rin sina Celia at Tantan last night. Kahit na me nabulyawan akong mga estudyante na sinandalang ng husto si Mimi (the car) dahil niyugyog ang rear bumper. Na nagsimula nang mapansin ko (from the window) na sinasandalan ng mga estudyante (na yun pala mga sis ni Celia) na parang 'medyo lang, mukha bang dingding ang kotse ko at sandalan ba nang husto?' Tapos, harangin ang kotse sa biglang nag-appear na checkpoint sa may Agapita, at nung pinabuksan ang glove compartment e hindi man lang nilentihan. Tapos, nalunod muli ang carburator ng kotse. Biglang tambay sa Big Mak. Buti na lang me mga estudyante akong kumakain dun. Pinagkuwentuhan ang rason kung bakit nagkaroon bigla ng checkpoint sa LB: ang katawan na nakitang puro saksak sa tapat ng DMST. Of course, sari-sari nang versions ang lumabas - babae, lalaki, bading; matanda, early 20s, hubo't hubad, t-shirt lang ang wala; etc.etc. Hay, mabuti na lang e mga gala ang mga estudyante ko at me nakausap ako sa halos isang oras kong paghihintay para maka-recover si Mimi.

To top it all off, I sprained my ankle and busted my knee while on my way to shoo the students away from my beloved Mimi.

Just read a text message from Celia: may muntik na raw na tumamang asteroid sa planetang earth? Right now, all I can think of is my bed. Am so drowsy.

Basta saya ko sa cubicle kanina. I fixed my table, arranged my books, placed the million and one articles on my table in the always-empty drawers. Waited for students to submit their take-home exams. Si Pillsbury Doughboy ko of a student na-late ng pag-submit pero sige lang, kunin ang bluebook. Lamayan nanaman this weekend. Haay. Had my CD/cassette with me, playing EBTG (Like the Deserts Miss the Rain), New Order (The Best of...), Radiohead (Kid A), Phish (The Story of the Ghost), and the Hotdog tribute album. And one particular eye candy the whole afternoon. Wahoo!

Seeeeeek. Seeeeeeeek.